sa aming eskwelahan, naghahanda ang lahat ng guro para sa papalapit nang pasukan. nag-uumpugan na kaming lahat para lang makabuo kahit isang yunit na nakaayon sa UbD. sobrang talino ng lumikha nito, ikaw na ang magaling! ang kaso, hindi lahat kinakaya ng powers nila para makabuo nito. stage 1 pa lang, patok na sa takilya.
o eto na nga ang nangyari... tinutulungan kami ng isang guro sa amin upang magkaroon ng kaliwanagan tungkol sa UbD. pero sa kaka-eksplika niya parang lalong lumalabo para sa akin. lalo na kapag sa tuwing napag-uusapan ang "essential questions". ano nga ba ang esensyal? ano ba ang gusto naming ipaintindi sa mga bata?
at dahil sa "essential questions" na ito... naisambit ko ang tanong na "who am i?" at nagtawanan ang lahat. ops... excuse me... naghalakhakan ang lahat kitang kita ang ngala-ngala!
teka... mali ba ako? oo, kasi hindi iyon ang pinag-uusapan. "multiplying fractions" kasi ang pinag-uusapan. pero iyung tanong ko esensyal iyon diba?
hanggang ngayon pinag-iisipan ko ang tanong na iyon. mahahanap ko pa kaya ang sagot na iyon? maliban sa bunso akong anak na babae, na may 7 taong gulang na anak na babae sa pagkadalaga, na may ka-relasyon, na guro maga-anim na taon na, na kaibigan na pwedeng sandalan at pwede ring pagtawanan. pero sino pa rin ba ako?
papasok dito ang tanong na "ano ang misyon ko sa buhay kong ito?" bago man sana ako pumanaw sa mundong ibabaw, mabigyan ko ng sagot ang "essential question" na ito.
ops! no copying! look at your own paper.