Saturday, April 11, 2015

single: no choice & by choice

Single ako. Dahil no choice at by choice.

No choice, dahil ako ang iniwan at hiniwalayan. Kapag nakipag-break naman sa iyo ang isang tao, wala ka namang choice kundi tanggapin. Kasi kahit maglupasay ka sa kakaiyak at pilitin mo na huwag kang iwan - choice niyang iwan ka niya.

No choice, dahil sa dinami-dami ng lalaki sa paligid ko - eh sa wala eh. Sa tingin ko nga 4 na lang ang klase ng lalaki ngayon:

  1. Married and in-a-relationship
  2. Pangit na choosy
  3. Pogi na becky
  4. Manloloko at pa-asa
By choice, dahil pwede naman ako maghanap ng kung anu-ano lang para mabago ko na yung relationship status ko sa FB. Pero hindi. Ayoko. Kahit gaano kalungkot minsan, lalo na kapag Pasko at Valentine's Day, at mas lalo na kung lahat ng katabi mo sa jeep eh may kayakap at ka-holding hands maski yung drayber na kadiri ang nails - hindi ako papasok sa relasyon dahil lang sa lungkot.

By choice, dahil gusto ko, pangarap ko at pagsisikapan kong maging mabuting nilalang - bilang anak, bilang nanay, bilang titser, bilang alagad ng sining, at bilang Pilipino. Para kapag nakilala ko na si "Juan", handa na ako para sa kanya - kumpleto, kuntento at masaya. 

Kaya habang single ako, at binayayaan ako ni God ng panahon na ito - gagamitin ko ito para atupagin at pagtrabahuhan ang mga mas importanteng bagay sa ngayon. Hindi ko sinasabing hindi importante ang love - naka on hold lang pansamantala habang under construction pa ang buhay ko. 

Yes, I am single. No choice and by choice.