Saturday, April 11, 2015

single: no choice & by choice

Single ako. Dahil no choice at by choice.

No choice, dahil ako ang iniwan at hiniwalayan. Kapag nakipag-break naman sa iyo ang isang tao, wala ka namang choice kundi tanggapin. Kasi kahit maglupasay ka sa kakaiyak at pilitin mo na huwag kang iwan - choice niyang iwan ka niya.

No choice, dahil sa dinami-dami ng lalaki sa paligid ko - eh sa wala eh. Sa tingin ko nga 4 na lang ang klase ng lalaki ngayon:

  1. Married and in-a-relationship
  2. Pangit na choosy
  3. Pogi na becky
  4. Manloloko at pa-asa
By choice, dahil pwede naman ako maghanap ng kung anu-ano lang para mabago ko na yung relationship status ko sa FB. Pero hindi. Ayoko. Kahit gaano kalungkot minsan, lalo na kapag Pasko at Valentine's Day, at mas lalo na kung lahat ng katabi mo sa jeep eh may kayakap at ka-holding hands maski yung drayber na kadiri ang nails - hindi ako papasok sa relasyon dahil lang sa lungkot.

By choice, dahil gusto ko, pangarap ko at pagsisikapan kong maging mabuting nilalang - bilang anak, bilang nanay, bilang titser, bilang alagad ng sining, at bilang Pilipino. Para kapag nakilala ko na si "Juan", handa na ako para sa kanya - kumpleto, kuntento at masaya. 

Kaya habang single ako, at binayayaan ako ni God ng panahon na ito - gagamitin ko ito para atupagin at pagtrabahuhan ang mga mas importanteng bagay sa ngayon. Hindi ko sinasabing hindi importante ang love - naka on hold lang pansamantala habang under construction pa ang buhay ko. 

Yes, I am single. No choice and by choice.

Tuesday, March 10, 2015

wait, let me explain

CHARAUGHT (Charot), adj. /tʃa rɔt/

Isa itong Beki or Baklese term na ang ibig sabihin ay "joke lang". Ito ay synonymous sa "echos".

Ang ganda mo today. Charaught!

I love Mondays! Charaught!

Mahal kita, pero charaught lang.

Ang blog na ito ay pinangalanan kong Charaught Thoughts, hindi dahil puro joke lang ang mga isinusulat ko dito. Ang mga ito ay charaught sa pamamaraan ng atake sa pagsusulat, dahil susubukan kong maging nakakatawa. Subok lang, kaya kung hindi ka natawa - pasensya na. Kung natawa ka - salamat. Tawa pa more!

Lahat ng nilalaman ng blog na ito ay tutuong mga damdamin o hugot, base sa mga pinagdadaanan ko sa kasalukuyan o base sa mga ala-ala ko mula sa nakaraan.

Sabi nga, so what? Bakit ka nagsusulat? Bakit ka may blog? Anong gusto mong ma-achieve sa pagsusulat mo? Marami kasi akong gustong sabihin - madaldal lang, eh. Marami rin akong sugat, pait, sakit at galit na kailangang burahin. At nais ko itong ipamahagi dahil baka sakaling may maka-relate sa aking mga hugot - so we can hugot together. Sana sa pamamahagi ko ng mga hugot ko, mga memories ko at ng mga naiisip ko - may matutulungan ako. 

So, welcome to Charaught Thoughts. 
Feel at home. 
Enjoy your stay. 
Clean as you go. 
Keep right.
Be respectful.
Feel free to laugh and cry.
Please leave the door open when you leave.

Monday, March 9, 2015

Dear 7th

I decided to write you a letter, last night, while I was crying about you, about us, about this feeling I just can't seem to move on from. I'm pretty sure I don't love you anymore. Wait.. Hmmm.. Yes, I don't. I don't think I hate you either.

(Switching to Tagalog for more feelings.)

Dito ko sasabihin ang hindi ko masabi sa harap mo, dahil ayaw rin naman kitang makita. Dahil kapag nakita kita, mandilim lang ang paningin ko at mapano ka pa. O ayan, may concern pa pala ako sayo. Galit ako sayo. Galit na galit na galit na galit, with a capital G-A-G-O! Anong hiningi ko sayo? Respeto. Na kung tutuo yung sinasabi mong mahal mo kami at mahalaga kami sayo, sana nabigyan mo kami ng kakarampot na respeto. Kasing halaga ba kami ng isang text mo? Ganun lang? Ang limang taon natin nauwi sa isang text? Alam mo kung anong wala ka, wala kang badoodles.

"Mahal ko kayo. Mahalaga kayo sa akin. Pero nakaraan ko na kayo. Si "Tentay" ang kasalukuyan ko." (The name has been changed for reasons I'm not sure of).
--- What?! Ano?! Anong what?! Narinig mo ba yung sinabi mo, or better yet, naintindihan mo ba yung tinext mo? PITOMPUT PUTING TUPA naman oh. Eh, kung nakaraan na pala kami, bakit bumalik ka pa? Okay na tayong friends, diba? Maayos na ang lahat eh. Bakit kinailangan mo pa kaming paniwalain na aayusin natin ang lahat? Bakit dinamay mo pa yung anak ko sa kalokohan mo? Tapos iiwan mo rin pala kami, na ang katumbas ng pinagsamahan natin ay isang text lang.

Pero yung tutuo, naiyakan ko na yan. Alam kong hindi na masasagot yung mga bakit ko. Sadyang may mga bagay na hindi kinakailangang sagutin - kailangan lang tanggapin.

At kailangan ko rin lang tanggapin na hindi mo na kami mahal. Na hindi mo na ako mahal. Na hindi mo na ako hinahabol-habol. Na hindi na ako ang iniiyakan mo. Na may iba nang nagmamahal sa iyo - yung pagmamahal na hindi ko naibigay sayo. Na nakahanap ka na ng taong mas worth ng love mo. Na lahat ng mali na nagawa mo sa akin - pinagsisikapan mong itama sa kanya. Na ang mga plano natin ay mga plano ninyo na. Na ang kamay na dati-rati'y nakahawak sa kamay ko ay nakahawak na sa iba. Na ang mga ngiti mo para sa akin ay ngiti mo na para sa kanya.

Hindi ka na sa akin. Wala ka na sa akin.

At mamimiss kita. Namimiss kita. Pero higit sa lahat, namimiss ko ang tayo.

Mahirap tanggapin, pero kakayanin. Gaano man ito katagal, gaano man ako kabagal sa paglimot - kakayanin ko pa rin. Balang araw matatanggap ko rin na hindi tayo para sa isa't isa. Na hindi ikaw ang The One ko. Na magiging masaya din ako. Na makikilala ko rin ang itinakda sa akin ni God - at lahat ng ito ay pagtatawanan ko na lang.

Kaya sa ngayon, nanamnamin ko ang galit ko at ang lungkot ko, hangga't matanggap ko ng buong puso ang nangyari sa ating dalawa. Pero kaakibat nito ang dasal ko na tulungan ako ni God na mapawi ang galit, lungkot at sakit. Ipagdadasal ko din ang kaligayahan mo, na sana masaya ka sa desisyon mong iwan kami. Ipagdadasal ko rin na sana mawala na itong ampalaya na nanunuot sa puso ko na dulot ng ginawa mo.

Balang araw magpapasalamat din ako sayo dahil pinakawalan mo ako. Pero hindi ngayon, dahil galit pa nga ako sayo, with a capital G-A-G-O.

Excited na akong dumating ang araw na yun. At baka sa pagdating nun, kaya na kitang harapin at apir-an (sa mukha). Magabang-abang ka din - hindi ako nananakot.

Hanggang dito na lang.

Adios.

Wednesday, August 1, 2012

pitot the singer..

nung huli akong nag-post dito hindi ko kilala sarili ko. hindi ko naman sinasabing kilalang-kilala ko na nang lubusan ang sarili ko, pero siguro malapit na.. may nabasa ako somewhere out there na you have to be complete as a person and to be completely happy on your own before you can share yourself with others. kasi kung hindi, we tend to depend on others to make us happy. which is wrong.
anyway.. maraming nagbago sa akin for the past few months.. sumali ako ng chorus at naging isang manganganta.. isa ito sa mga pangarap ko. mahilig akong kumanta simula bata pa, kaso hindi naman ako in-enroll ng magulang ko sa formal voice lessons kaya hindi ko na-develop ang talent na ito.. bwahahahahaha! pero kahit ganon, naniniwala akong maganda ang boses ko kahit hindi man umabot sa level ni regine velasquez pero alam kong lagpas ko ang level ni pops fernandez (duh!)
kaya ayan.. napansin din naman ng tatay ko ang pagbabago at ikinaganda ng boses ko simula ng sumali ako sa chorus sa simbahan. naks! daddy's little girl yata ito! (pero siya rin mismo na nagsabi na pangit yung boses ko nung bata pa ko)

at masaya akong kumakanta habang pumapalakpak, pumapadyak, nage-emote, nagtataas ng kamay, may pa-sway sway pa sa harap ng maraming tao. lalo na inaalay ko ito kay Lord. dahil siya naman ang nagbigay ng talent kong ito. share your blessings diba? shine your light to others. and this is my way to shine my light!

Sunday, June 5, 2011

Essential Question

sa aming eskwelahan, naghahanda ang lahat ng guro para sa papalapit nang pasukan. nag-uumpugan na kaming lahat para lang makabuo kahit isang yunit na nakaayon sa UbD. sobrang talino ng lumikha nito, ikaw na ang magaling! ang kaso, hindi lahat kinakaya ng powers nila para makabuo nito. stage 1 pa lang, patok na sa takilya.
o eto na nga ang nangyari... tinutulungan kami ng isang guro sa amin upang magkaroon ng kaliwanagan tungkol sa UbD. pero sa kaka-eksplika niya parang lalong lumalabo para sa akin. lalo na kapag sa tuwing napag-uusapan ang "essential questions". ano nga ba ang esensyal? ano ba ang gusto naming ipaintindi sa mga bata?
at dahil sa "essential questions" na ito... naisambit ko ang tanong na "who am i?" at nagtawanan ang lahat. ops... excuse me... naghalakhakan ang lahat kitang kita ang ngala-ngala!
teka... mali ba ako? oo, kasi hindi iyon ang pinag-uusapan. "multiplying fractions" kasi ang pinag-uusapan. pero iyung tanong ko esensyal iyon diba?
hanggang ngayon pinag-iisipan ko ang tanong na iyon. mahahanap ko pa kaya ang sagot na iyon? maliban sa bunso akong anak na babae, na may 7 taong gulang na anak na babae sa pagkadalaga, na may ka-relasyon, na guro maga-anim na taon na, na kaibigan na pwedeng sandalan at pwede ring pagtawanan. pero sino pa rin ba ako?
papasok dito ang tanong na "ano ang misyon ko sa buhay kong ito?" bago man sana ako pumanaw sa mundong ibabaw, mabigyan ko ng sagot ang "essential question" na ito.
ops! no copying! look at your own paper.