I decided to write you a letter, last night, while I was crying about you, about us, about this feeling I just can't seem to move on from. I'm pretty sure I don't love you anymore. Wait.. Hmmm.. Yes, I don't. I don't think I hate you either.
(Switching to Tagalog for more feelings.)
Dito ko sasabihin ang hindi ko masabi sa harap mo, dahil ayaw rin naman kitang makita. Dahil kapag nakita kita, mandilim lang ang paningin ko at mapano ka pa. O ayan, may concern pa pala ako sayo. Galit ako sayo. Galit na galit na galit na galit, with a capital G-A-G-O! Anong hiningi ko sayo? Respeto. Na kung tutuo yung sinasabi mong mahal mo kami at mahalaga kami sayo, sana nabigyan mo kami ng kakarampot na respeto. Kasing halaga ba kami ng isang text mo? Ganun lang? Ang limang taon natin nauwi sa isang text? Alam mo kung anong wala ka, wala kang badoodles.
"Mahal ko kayo. Mahalaga kayo sa akin. Pero nakaraan ko na kayo. Si "Tentay" ang kasalukuyan ko." (The name has been changed for reasons I'm not sure of).
--- What?! Ano?! Anong what?! Narinig mo ba yung sinabi mo, or better yet, naintindihan mo ba yung tinext mo? PITOMPUT PUTING TUPA naman oh. Eh, kung nakaraan na pala kami, bakit bumalik ka pa? Okay na tayong friends, diba? Maayos na ang lahat eh. Bakit kinailangan mo pa kaming paniwalain na aayusin natin ang lahat? Bakit dinamay mo pa yung anak ko sa kalokohan mo? Tapos iiwan mo rin pala kami, na ang katumbas ng pinagsamahan natin ay isang text lang.
Pero yung tutuo, naiyakan ko na yan. Alam kong hindi na masasagot yung mga bakit ko. Sadyang may mga bagay na hindi kinakailangang sagutin - kailangan lang tanggapin.
At kailangan ko rin lang tanggapin na hindi mo na kami mahal. Na hindi mo na ako mahal. Na hindi mo na ako hinahabol-habol. Na hindi na ako ang iniiyakan mo. Na may iba nang nagmamahal sa iyo - yung pagmamahal na hindi ko naibigay sayo. Na nakahanap ka na ng taong mas worth ng love mo. Na lahat ng mali na nagawa mo sa akin - pinagsisikapan mong itama sa kanya. Na ang mga plano natin ay mga plano ninyo na. Na ang kamay na dati-rati'y nakahawak sa kamay ko ay nakahawak na sa iba. Na ang mga ngiti mo para sa akin ay ngiti mo na para sa kanya.
Hindi ka na sa akin. Wala ka na sa akin.
At mamimiss kita. Namimiss kita. Pero higit sa lahat, namimiss ko ang tayo.
Mahirap tanggapin, pero kakayanin. Gaano man ito katagal, gaano man ako kabagal sa paglimot - kakayanin ko pa rin. Balang araw matatanggap ko rin na hindi tayo para sa isa't isa. Na hindi ikaw ang The One ko. Na magiging masaya din ako. Na makikilala ko rin ang itinakda sa akin ni God - at lahat ng ito ay pagtatawanan ko na lang.
Kaya sa ngayon, nanamnamin ko ang galit ko at ang lungkot ko, hangga't matanggap ko ng buong puso ang nangyari sa ating dalawa. Pero kaakibat nito ang dasal ko na tulungan ako ni God na mapawi ang galit, lungkot at sakit. Ipagdadasal ko din ang kaligayahan mo, na sana masaya ka sa desisyon mong iwan kami. Ipagdadasal ko rin na sana mawala na itong ampalaya na nanunuot sa puso ko na dulot ng ginawa mo.
Balang araw magpapasalamat din ako sayo dahil pinakawalan mo ako. Pero hindi ngayon, dahil galit pa nga ako sayo, with a capital G-A-G-O.
Excited na akong dumating ang araw na yun. At baka sa pagdating nun, kaya na kitang harapin at apir-an (sa mukha). Magabang-abang ka din - hindi ako nananakot.
Hanggang dito na lang.
Adios.